Entries from May 2005

May 30, 2005

::::YELLOW::::

May 30, 2005

::::SI BINING::::

                Pinilit kong isara yung tenga ko habang nagsasalita sila, takpan yung bibig ko para huwag na silang kalabanin. Alam ko, alam ko. Alam ko talaga, ako ang may gawa ng lahat ng ‘to. Alam ko rin na sumuway ako sa isang utos. ISANG UTOS. Hindi ako nakauwi nang maaga.

Kung bakit sinasabi nilang tumigil na [...]

May 27, 2005

::::ISANG PAGSUBAYBAY NG DAPITHAPON SA ROXAS BLVD::::

Maaari ka bang tingnan
Hanggang matapos ang oras?
Namnamin ang init mong taglay
Hilinging sana’y wag nang lumipas
Ang katahimikang hatid
 
Hindi ko maatim na iwanan ka
Nguni’t ano ang magagawa ng isang tula?
Kapag sumapit na ang dapithapon
At kailangan mo nang lumisan
Tangan ang panahon

May 27, 2005

:::MCDO::::

ok. bonding moment na naman ng ROCHY kahapon sa mcdo.  ang wala naman ngayon si jeff. haha! taena, kelan kaya makukumpleto? hehe

observe this series of pictures. magbespren talaga. 

idol ronald mcdonald. bow. porenjers eh! waha!

sa susunod ulet!!!

May 16, 2005

::::MINSAN NAMAN::::

madaLas
umuurong ang diLa ko
pero ang kamay ko
patuloy sa pagsayaw
gumigiLing upang
mabuo
ang obra
ang niLaLaman ng puso
patuLoy sa pag-indak
sabay sa tibok ng puso
bawa’t saLita
isang rebeLasyon
mga Letrang ‘di masabi ng diLa
haLos mabaon ng panahon
madaLas
kaLmado ako
ngayo’y nanginginig
nangangataL ang kamay ko
nawawaLa sa konsentrasyon
pero…
sawa na ako sa madaLas
gusto ko sana
minsan, kahit isang beses Lang
masabi ko sayo
Lahat ng ginagawa ko
madaLas
dahiL sayo

May 13, 2005

::::PAGHIHINTAY::::

Mga pinuhunang salita
Hindi ko makita ang halaga
Sa isang gabing nanahan ka, sinta
Sampung pagkakataon ang nawala
Pinigil ko ang pag-urong ng dila
Ninais na sa pagsapit ng gabi
Ikaw at ako lang ang nakatakda
Isa itong panaginip, na nakasukbit
 
Hanggang kelan ko ito
Pipiliting abutin?

May 12, 2005

::::LATA::::

Siksikan, halos ‘di makahinga
Napupurga ako sa init at dusa
Naghihingalo bawa’t pikit ng mata
Sa isang sistemang puno ng wala
 
Ibaling man sa iba ang paningin
Puro hudyat ng gulo ang nasasalamin
Madami pang dapat alamin
Pero walang pumapansin

May 3, 2005

::::PARA SA MASA::::

ito ay para sa mga masa
sa lahat ng nawalan ng pag-asa
sa lahat ng ng aming nakasama
sa lahat ng hirap at pagdurusa
naaalala nito pa ba
binigyan namin kayo ng ligaya
ilang taon na ring lumipas
mga kulay ng mundo ay kumupas
marami na rin ang mga pagbabago
di maiiwasan pagkat tayo ay tao lamang
mapapatawad mo ba ako
kung hindi ko sinunod ang [...]