UTOS NG HARI NI JUN CRUZ REYES

See you in my cubicle after lunch.” Pahabol sa akin ni Mrs. Moral Character kanginang matapos ang klase. Si Mrs. Character ang teacher namin sa Social Science. Siya rin ang adviser namin.

 

Para naman akong si gago na isip nang isip kung ano na naman ang sasabihin nito sa akin. Nawalan tuloy ako ng ganang mananghalian. Halos tiyak ko nang sermunang umaatikabo na naman ito. Kamakalawa lamang ay halos ilabas niya ang kanyang calculator para ipakita kung gaano ako “katanga” at kung gaano katama ang kanyang pagsuma sa aking mga 5. Hindi naman maikatwirang “paano ko di masi-5 kung kalian ako absent ay saka ka magbibigay ng quiz. Kung kelan tinatamad mag-recite saka mamimilit.” Saka pag sinabi ko naman ang gusto kong sabihin kakapain yung pulang ballpen.

 

Pero tipong maganda naman ang kanyang mood sa klase kanina. Katunaya’y yung kanyang paboritong paksa ang pinag-uusapan namin. ‘Yung kanyang dazzling Malaysian at ang kanyang paboritong pabango. Nagtsismis din siya (tulad ng dati). Kesyo si Mr. Espejo raw, kaya tumandang binata, dahil dalawang beses niyang binasted noong dalaga pa siya. Si Miss Kuwan daw kaya wala sa eskwelahan hindi dahil nag-study leave: nagpaabort sa America. Magbi-bell na nang maalala niya ang leksyon naming, ang normalization process sa gobyerno.

 

Sabi nya kangina, “Para tayo maging fully democratic kailangang mataas ang literacy rate.” (Sinabi na ‘yon ni Rizal.) “May sapat na communication system ang pamahalaan at may mataas na moralidad ang mamamayan. At higit sa lahat, kailangang maging westernized ang ating pamantayan. By so doing, hindi tayo magiging unicivilized sa wetern standards.

 

Nang tanungin niya ako, sabi ko’y mas basic ang dapat na pamamaraan sa pagtingin sa problema. Halimbawa’y bakit hindi umpisahan sa economic condition ng bansa. Kung kuntento ang mga tao, normal ang takbo ng pamahalaan. Pero kung maraming dissatisfied, natural na abnormal ang sistema. Hindi basta effective communication process, hindi rin basta mataas na literacy rate. Mga manipestasyon lang ito ng talagang problema. Nabigla siya. Doon na kami inabutan ng bell.

 

Ay, konsumisyon sa buhay, gusto kong lagnatin. Kay layo ng kahapon sa kasalukuyan. ‘Pag nasa bahay ako, ako ang bida. ‘Pag ang kababayan ko ang magkukwento, ako ang sikat. Pero ditto sa iskwelahan, walang isko-scholar ng bayan.

 

Talagang gusto kong maghinto, pero ayaw ni Tatay. Kung sabagay sino ba namang ama ang matutuwang magkaanak ng drop out? Talagang sawa na akong mag-aral. Kay ganda sanang isiping hindi ako nakatali sa sintas ng sapatos ng teacher ko na kasama ko sa bawat hakbang. Ipaling kung saan sulok ko gustong puntahan, ilakad-kaladkarin kahit gusting mamahinga. At isiping kahit ako ang masaktan.

 

Ay, buhay estudyante. Makauno lang, kahit lulunin ang sariling dila. Kumontra sa kanila, singkong maliwanag. Tumango-tango ka naman para makauno, ibig sabihin noo’y sarili mo na ang kailangang lokohin. Pakisama lang talaga. Konting kompromiso, mundo ang diploma. Kung wala akong diploma, sino naman ang maniniwalang may kaubrahan nga ako. Sana’y di nauso ang grade, di sana’y hindi ako mahihiyang pumasok kahit Metro Manila Aide. Kung graduate naman ako, hingan ng experience sa pag-aaplayan ko, dedo rin. At kung tapos nga, nakakahiya naming pati trabahong pang mahirap ay pagtiyagaan ko.

 

Grade lang naman, problema ba ‘yon? Kung 5, tapos ang usapan, bakit kailangan pahabain pa? Bagsak kung bagsak. Kick-out kung kick-out. pero hindi naman talaga ako dapat bumagsak. O.K., matigas ang ulo ko, rugged at medyo bastos pa raw, pero bakit kailangang isali pati conduct at ayos ng katawan sa usapan? Hindi naman ito military school, hindi rin naman seminaryo, bakit panay “yung conduct mo” at “appearance” ang pangako nila?

 

Ano ba ang sama nang bumagsak? Kung si Recto, bar flunker pero isa sa kinikilalang constitutionalist ngayon. Si Einstein, bumagsak sa Physics at grammar school pero big time scientist. Kahit teacher niya hindi alam ang theory niya sa relativity. Kung sabagay, hindi ako si Recto at si Einstein. Si Jojo lang ako, kung ang walang sinabi kong teachers ang tatanungin. Sa mga kapitbahay namin, pambihira daw ako, biro mong sa probinsiya namin ay ako lang ang nakarating ng Maynila para mag-aral ng libre. Kung nalalaman lang nila.

 

Aral nang aral. Aral sa umaga, aral sa tanghali at aral pa ulit sa gabi. Hindi ko naman maintindihan kung para ano ang pinag-aaralan. Hindi na naubusan ng ipari-research. Walang alam itanong kung hindi “What is our lesson for today?” Parang mga Diyos na sila lamang ang may monopolyo ng tama. Kaya hindi pwedeng tanungin at lalong hindi pwedeng pagsabihan ng mali.

 

Ay, mga teachers sa mundo, bakit ba ginawa pa? Tulad ni Mrs. Moral Character, bago mag-umpisa ang leksyon, magsesermon muna na virtue of honesty, kesyo masamang mandaya, kasalanang mortal ang magturo sa kaeskwelang nakalimutan ang sagot dahil sa pagkataranta, krimen ang magkodigo at kung anu-ano pa. lahat na yata ng masama at bawal sa mundo ay alam. Pero ang kanyang lihim ay buking na namin. Noon daw nakaraang referendum ang teacher naming morally upright ay biglang nabulag at nabobo. Nang magwatcher daw ito sa presinto, tatlong letra lang ang kabisadong basahin. Katwiran nito’y “Anong sama doon, kahit matalo, panalo par irn. Bakit, me magagawa ka ba?” Kaya naman ngayon hindi na siya si Mrs. Moral Character sa amin, Mrs. Eraser na lang.

 

Tapos magtataka pa kung kangino kami nagmana sa mundo.

 

E sino naman kaya sa kanila ang pwedeng gawing idolo? ‘Yung teacher ko sa English, walang pakialam sa mundo. Basta magamit lang niya ‘yung nalalaman niya sa voice at diction, maligaya na siya sa buhay. Basta kami ang papel lang namin, tagapakinig sa kanyang mga asides. Para tuloy kaming pang-therapy niya lang. at ang kanyang paboritong paksa, ‘yugn kanyang ninuno na purong Kastila raw na nagpatayo ng simbahan sa kanilang bayan. Antique syempre ‘yung simbahan (tulad niya at ng kanyang lolo). Ibig lang niyang palabasin ay may dugong bughaw siya. Sarap sanang bukuhin na ang Kastilang napunta rito noong araw ay mga butangero at kriminal sa Espanya. Kesa nga naman maging problema sila ng gobyerno nila, di Pilipinas na ang bahalang magtiis ng konsumisyon. ‘Yung ganoong sistema ang namana niya sa kanyang lolo, ang mangunsumi ng mapagtiis. ‘Pag nabuko mong hindi nag-aral, lagot ka. Pagsasabihan ka nito ng “What?” Iyon lang hindi mo pa alam hanggang ngayon? O.K. that’s your assignment for tomorrow.” Saka niya sasabayan ng bura ng maling nakasulat sa blackboard.

 

Kunsumihin ka ba naman araw-araw, pag naging gago ka nagtataka pa. Hindi ka pa nga pwedeng magwala, hindi ka parin pwedeng maglibang. Kung sa pagtitiis ng kunsumi ay sigarilyo at beer ang mapiling pagbuntunan ng sama ng loob. Ayun at, “Sinasabi ko na nga bang masama sa pag-aaral ang bisyo,” ang agad ikakatwiran ng mga ito.

 

Kung bisyo naman ang pag-uusapan, masama raw sa katawan ng tao ang alkohol at nikotina. Para na rin sinasabing, ‘pag teacher ka na ay pwede. Dahil estudyante ka pa lang, tiis. Itanong mo kay Mr. Discipline at alam na alam niya ang sagot. Huwag mo nang itanong kung nagdaan din siya sa pagkabata, kung noong araw ay gago rin siya, dahil sa isasagot nito’y, “Kaya nga ayaw kong matutuhan nyo ang bisyo dahil pinagdaan ko na ‘yan.

 

Sa amin sa barkada, dalawa lang kaming mag-gu-goodbye my school goodbye. Kick-out ako sa kagaguhan daw. Si Minyong nama’y sa kabobohan daw.

 

Kung paano nila natiyak na dapat nga kaming palayasin sa pinakamamahal naming paaralan, ganito raw ang naging takbo ng usapan nina Mrs. Moral Character (Eraser), Mrs. Gles-ing, Mr. Mathematician, Miss Spermatozoa at Mr. Discipline.

 

“Hindi naman korum, say quorum, kuwow, quorum. That’s correct, that Jojo Boy has no sense of dequorum. I feel though he is brilliant, only my reservation is that.”

 

Only he is stubborn. Papasok ‘yan sa klase ko nang nakainom, para pang nang-iinis na lalapitan ka. Ipaaamoy sa iyo ang hininga.”

 

How true, how true, I swear to God that’s true.”

 

“Hindi lang ‘yan, minsan gusto pa mandin akong kulitin sa klase na akala mo’y mahuhuli niya akong hindi prepared sa lesson ko. Tambakan ko nga ng research work, di atras siya.”

 

And he is always absent. Sometimes I don’t want to give him an excuse slip anymore.”

 

“So what is the verdict of the group?”

 

“I could not pass him.”

 

“Ako rin.”

 

God will punish his naughtiness.”

 

“I will report the matter to his parents immediately.”

 

Ang masama ay ang akusasyon nila kay Minyong. Nababaliw daw. Tuwang-tuwa silang pagtsismisan ito. Kinuha-kuha nila sa bundok, tapos pilit pinaniwalang makakasabay ito sa standard ng exclusive school, pinaniwalang dito nito matututuhan ang paghango sa kahirapan ng kanilang tribo, saka ngayon, basta na lang sisipain. Bobo, ang sabi nila. Binigyan ng isang pagkakataon. Pinagsalita nang pinagsalita, para raw mahasa nang sa gayo’y mawala ang inferiority complex nito. ‘Ayun, nang matutong magsalita ang tao, na-schock silang marinig ang katotohanan.

 

Sabi ng pangkat ng mga Hari.

 

“I find him kina weird lately.”

 

“So what shall we do with him.”

 

“Definitely I could not pass him.”

 

“Oo nga naman. Gagawa tayo ng masamang precedent. Mauuso ang bobo sa eskwelahan. Remember, Philippine School for Science and Technology ito. Tapos magpapasa tayo ng estudyanteng so-so? Hindi pwede.”

 

“Pero cultural minority ‘yan.”

 

“And so what?”

 

“Kailangan babaan natin ang standard sa kanya.”

 

Excuse me, mayroon lamang isang standard and excellence at wala nang exception pa.”

 

“What now?”

 

“Ano pa, edi ibagsak.”

 

Saka sila nagkorus ng “Ibagsak.”

 

Kung sabagay nang mabalita ang kaso ni Minyong sa eskwelahan, humigit-kumulang ay nakapagpasya na sila sa magiging dulo ng istorya. Ganito raw iyon.

 

“Have you considered his case lately?”

 

“Anong gagawin natin sa kanya? Meron ba tayong policy sa ganyang kaso?”

 

“Mabuti siguro’y pauwiin na natin sa kanilang tribo.”

 

“Dapat nga, Baka manakit pa yan ay maraming madamay.”

 

“Oh, how I abhor violence.”

 

“Baka kamo manunog pa yan. Uso pa naman sa Maynila ang sunog ngayon.”

 

“E kung ipa-confine natin sa mental?”

 

“At sinong magus-shoulder ng bill?”

 

Tapos ang kaso ni Minyong bago pa man pasimulan ang deliberasyon.

 

Hindi naman sila parating ganoon kabilis magbaba ng hatol. Paminsan-minsan nama’y “humane” sila ika nga. Tulad halimbawa ng kaso ni Osias at Armando, mga kaiskwela rin namin.

 

“Ipasa na natin si Osias.”

 

“Pero mababa yan sa Physics.”

 

“Sus, naman ito, e talaga naman mahirap ‘yang klase mo.”

 

Thoughtful yang batang yan. Kahit saan ka makita ay panay ang good morning.”

 

“Talaga. At prisintado agad yan pag nakasalubong ka na maraming dala.”

 

How about Armando? Another cultural minority?”

 

Excuse me. He is not a thoroughbred cultural minority it is only the mother. The father is an Ilocano who migrated to Mountain Province.”

 

“Ang sweet-sweet ng batang ‘yan. Manang-mana sa Tatay nya.”

 

“Pogi talaga.”

 

You bet. Doctor pala ang ama nyan.”

 

“Ipapasa ko yan. Kaya lang naman ‘yan mababa, kasi matagal umabsent. Nagkasakit kasi.”

 

“Ano, pasado na tong dalawa?”

 

“Approve.”

 

Mahirap talaga sa mundo ang hindi pogi at walang amang duktor.

 

Come on in. Sit down.” Sabi ni Mrs. Moral Character matapos akong kumatok at papasukin sa kanyang cubicle. Inabutan ko siyang nagsasalansan ng mga libro.

 

Called you for two reasons. Regarding our lesson and your attitude in class.” Idiniin niya yung your attitude. Heto na naman kami sa loob-loob ko. Kung bakit kasi hindi na lang ako nagkasakit. Sana’y natuloy na ang lagnat ko para wala nang sermunang naghihintay.

 

“Jojo, ang tao’y hindi pulos tiyan tulad ng gusto mong palabasin.” Sabi niya habang nakataas ang isang kilay.

 

Huwag kang kikibo, paalala ko sa aking sarili. Konting tiis. Mahirap makipagtalo sa teacher. Ngiti ka lang basta. Titigil din yan pag nagsawa. Pero tipong wala siyang balak mag-short cut ng sermon.

 

“Walang essence ang pinagsasabi mo kanina. Iyon ay isang halimbawa ng priori statement. Do you get me?” Tumango naman ako.

 

Good. Now, alam mo sigurong wala kang pinanghahawakang data, which I happen to have. Panay speculation lang ang pinagsasabi mo at walang katuturan ito sa scientific world. Our lesson is more complicated than you thought. What you mean probably is the role of economic determinism in contemporary Philosophy, which is all together wrong. Bait hindi mo gamitin ang power of elite approach? Behavioralism ang trend ngayon sa west. Bakit hindi ka makigaya?”

 

Huwag mong pansinin, ngiti lang. Paalala ko ulit sa sarili ko. Hayaan mo lang siyang magsalita nang magsalita. Pasasaan ba’t mauubusan din yan ng sasabihin. Pasok sa kanang tenga, labas sa kaliwa. Siya ang teacher kaya ang pakiramdam niya’y siya lang ang pwedeng tama.

           

“Do you get me?”

 

Tango pa rin ako. At ngayon, ang part II ng kanyang sermon.

 

“To be honest about it, I don’t like your attitude in class. Smart aleck!” Yuko na lang ako. Saka ako bumulong ng “I’m sorry, Ma’m.”

 

Kahit hindi ko siya tingnan alam kong tatangu-tango siya sa tuwa. Lihim na naman pumapalakpak ang kanyang tenga sa tuwa. Napaamo niya ang suwail ng eskwelahan. Sana’y kasing “honest” din niya ako, di sana’y nasabi ko rong “The feeling is mutual. I also don’t like you, Ma’m.” Sa halip ang nasabi ko na lang ay “Can I go now, Ma’m?”

 

“I’m not yet through.” Ibig pa palang sabihin ay may part III pa tong usapang ito.

 

“They saw you in the chapel last night.”

 

Diyos me, pati pala personal life ko’y pinakikialaman na rin nila ngayon sa loob-loob ko. Nararamdaman ko ang init ng kanyang titig sa aking mukha.

 

“How young are you, Jojo? Speak up.”

 

Wala akong dapat ipaliwanag sa kanya. Hindi ako sasagot.

 

“Speak up I said.”

 

“15, Ma’m.”

 

15, and already you are…” Saka niya dinugtungan ng “I’ll let your mother know about this,” bago ako tuluyang lumabas ng kanyang cubicle.

 

Gusto ko na talagang magwala. Gusto ko siyang balikan. Gusto kong isambulat sa mukha niya ang lahat ng hinanakit ko sa mundo. Sanay kasing tapang ako ng gusto kong mangyari. Ano ba’ng masama sa ginawa ko sa chapel? Magkahawak lang kami ng kamay ni Tess. Masama ba yon? Siguro ang masama’y kung bakit biglang napasyal si Mrs. Gles-ing sa chapel ng ganoong oras ng gabi. Kawawang Tess. Halos natitiyak ko nang gagawin na naman itong halimbawa ng mga Mrs. Moral Character ng kung anong hindi dapat maging ang isang babaeng estudyante. Si Mrs. Gles-ing, tiyak na halos pumasok ang dila sa pagbabando ng kanyang scoop.

 

Ano pa ang magagawa ko, di suntok na lang ulit sa hangin at magbubulong ng “balang araw.” Kung mababaliw ako tulad ni Minyong, siguro’y hindi nila ikatutuwa, pero natitiyak kong ipagtataka nila kung bakit.

 

Nasa lobby ang mga kabarkada kong alaskador.

 

“Jo, balita nami’y bida ka na naman.”

 

Hayaan mo na ang mga ya’t magsasawa din yan.” Sagot ko naman

 

“Kung nagmu-motel kayo, di wala sana silang alam.”

 

“Tigil,” sabi ko.

 

“Ano ba talaga ang ginawa nyo’t nagpuputok ang butsi ni Mrs. Gles-ing sa klase namin kanina?”

 

“Isa pa to, anong magagawa ko sa chapel?” kahit ka may madyik, walag himalang mangyayari doon,” sabi ko.

 

“Ligawan mo kaya si Mrs. Gles-ing.”

 

“Isa ka pa.” Buwisit na buhay ito, alaskado na naman ako.

 

“Malay mo baka lalong malahing Mrs. Robinson yon.” Saka sila nagtawanan.

 

“Tara na lang sa Cubao.” Yaya ko sa kanila.

 

‘Yung isang round ng beer ay nasundan ng isa pa nga at isa pa ulit. Saka pinabuntutan ng one for the road. Kung gaano kabilis ang bote ng beer ay ganoon din kabilis ang oras.

 

“Ano ba talaga ang ginawa mo sa chapel?”

 

“Ano ba, di holding hands. Masama ba ‘yon? Para nagsusumpaan lang kami sa harap ng altar na hindi maghihiwalay kahit ako ma-kick-out. kabastusan na ba yon? Bakit kasi ang dudumi ng isip nila. Akala mo’y hindi nakipag-holding hands noong mga bata.”

 

“Sila kaya, paano naging tao?”

 

“Natingnan lang, nabuntis na.”

 

Saka sila nagtawanan. Buti pa sila, kahit paano’y masaya. Ako yata, kahit sa paglilibang ay mga teachers ko pa rin ang nakikita. Sobra na to. Bakit ba yaw nilang makakita ng katotohanang iba kaysa kinagisnan nila? Bakit ba kasi gusto nilang maging kamukha nilang lahat ang tao sa mundo. Dahil ba sa kanilang palagay ay sila ang nakadiskubre ng mina ng talino at tama, kaya wala nang natira para sa amin para diskubrihin? Pero hindi ba yung tinatawag nilang expertise yung dalawampung taon sa serbisyo, ang ibig lang sabihin isang taong karanasang pinatagal ng dalawampung taon?

 

Ngayon ko lang naiisip, kung buhay siguro si Beethoven at kukuha ng eksamen sa ekswela kahit bilang estudyante o teacher ay tiyak na hindi siya tatanggapin. Philippine School for Science and Technology ito, ang eskwelahan ng mga magiging scientists baling araw, tapos pakikitunguhan at ituturing na tao ang isang kung sinong bukod sa tamad magbihis ay madalang pang maligo?

 

Si Einstein kaya? Henyo ‘yon, kaya lang hindi nagsusuklay. Kick-out din siya. Bawal sa school ang mahabang buhok. Tiyak na pagsasabihan siya ni Mr. Discipline ng “Comply with school requirements. Maximum tolerable haircut please.” Ibig sabihin noon ay ahitan ang batok.

 

Si Hemingway kaya? Hindi rin pwede, mabisyong tao yan. Bawal ang lasenggo sa klase. E si Maxim Gorky kaya, ang greatest Russian writer para kay Chekhov at Tolstoy, pwede kayang magturo ng comparative literature dito? Sa palagay ko’y hindi rin. Bukod sa wala siyang unit sa English ay wala rin siyang diploma sa education.

 

Si Kristo kaya kung mabuhay ulit at magpunta sa Science? Maestro daw siya kahit walang M.A. at Ph. D. Papasukin kaya sa gate pa lang? Hindi pwede, kung makasalubong siya roon ni Mrs. Moral Character o ni Mrs. English, baka ma-shock pa ang mga ito. Palagay ko, ganito ang sasabihin nila: “Imagine, kay lakas ng loob, ang bastos naman ng appearance. Long hair, hindi nag-aahit, tapos nakasandalyas pa. Maano kung anak siya ng Dioys, wala naman siyang sense of decorum.” Saka kung magsermon dito si Christ, baka mabuko lang siya ng “Who is your authority, where is your data, behavioralism na ang trend ngayon sa west bakit hindi ka makigaya…” Siguro kaya sa sabsaban na lang ang napiling birthplace niya, dahil kung sa Science siya ipinanganak, mababago ang kasaysayan ng Kristiyanismo sa mundo.

 

Ay, sense of propriety at decorum talagang nakakataranta. Clean cut (pagsuklayin mo si Einstein) white polo shirt at black pants (pagdisentihin mo si Kristo). Naiisip ko tuloy kung propriety din yung tawag sa mga teacher kung nakadamit civilian sila kapag Miyerkules. Yan bang parang aatend sila ng party. Yun bang ang tipo ng tela ay mapapanson agad at mapagsasabihang “Ay, ang ganda, saan mo nabili? Siguro ang mahal ano?” na sasagutin naman ng kausap ng “Mura lang yan , siento isang yarda. Christian Dior, original yan, hindi gawang Rustan.” At para talagang mapapansin, kailangang humahalimuyak din sila sa bango. Yung parang walking pharmacist. Saka kukulayan ang mukha na parang painting (pa-surreal). At saka tatambakan ng brilyante ang tenga, leeg, dibdib, braso at mga daliri. Sa kanilang ganda ay ningning, para kang nakakita ng Xmas tree sa isang mahal na araw. Yun ang proper sa kanila.

 

Kung sabagay, hindi nila maiino yon. Noong gabing mahuli kami ni Tess ni Mrs. English, noon ko lang napansin ang ayos ni Kristo. Ininsulto raw ito ng mga Hudyo kaya ipinako nang hubo sa krus. Pero naiinsulto sa hubo ang mga Mrs. Moral Character, Mrs. English, Miss Spermatozoa, Mr. Mathematician at Mr. Discipline at kanilang mga katribo. Kaya siguro nila tinakpan ang kahubdan ni Kristo ng pelus na nangingintab sa dami ng borloloy. Si Virgin Mary ay asawa daw ng isang hamak na karpintero, pero sa bigkas niya ngayon ay mistulang peacock at Xmas tree na rin siya. Pati nga kanyang luha ay ginawang perlas.

 

Ang hindi nila naging kamukha ay agad nilang napapansin. Ang taong naniniwala sa sarili ang gusto nilang lapastanganin. Sino nga ba naman si Jojo sa kanila na “isang kung sino lang.” Noon kayang mga estudyante pa sila, nakapasa kaya sila sa Science? Scholar din kaya sila? Pero bakit naging teacher lang sila sa loob ng mahabang panahon? Iyon lang kaya ang alam nila sa buhay, ang magturo? Para silang hindi naging bata. Para bang nang ipinanganak sila’y alam na nila ang lahat ng bagay. Baka akala nila’y biru-biro ang maging estudyante. Yun kayang conduct nila sa klase noong araw, panay uno? Kung talagang hindi sila nagkakamali, dapat itong ireport agad sa Santo Papa ng Roma. Nasa Pilipinas lang pala ang mga living saints.

 

Alin na lang kaya ang pwedeng pakialaman? Saan kaya pwedeng maging bida sa mundo? Buti sa referendum kasali kami. Alin kaya ang mahalaga, ang kapalaran ng Pilipinas o ang moral character? Yung kapalaran ng Pilipinas, pwedeng isugal, pero kung sino ang mas seksi, si Alma Moreno o si Elizabeth Oropesa ay hindi naming pwedeng pagpasyahan, “for adults” lang kasi yon.

 

Ops, nakadi-jingle mag-isip. Yung barkada, iba na ang usapan.

 

“Lagyan kaya natin ng thumbtacks yung upuan ni Mrs. English?”

 

“Di aaray yun!”

 

“Hi-hi-hi.”

 

Buti pa sila at nakukuhang ngumisngis. Ako kaya, kanino pwedeng magreklamo? Sulatan ko kaya si Valencia? Baka naman sagutin ako nito ng “Uminom ka na lang ng kape.” Si Marcos kaya? Santambak ang problema nito sa buhay, biro mong problemahin nito pati kapalaran ng Pilipinas, tapos ipasasagot pa ito sa kanya sa kasaysayan, paano ako nito mapapansin? Magreport kaya ako kay Carter, issue rin ito ng human rights, ang kapalaran ng mga sinasadistang estudyante, pero mahirap naming umingels. Saka interesado lang ito sa giyera na naluluma sila.

 

Sa Diyos na lang kaya ako susulat? Pero nasa lahat ng lugar at sulok daw ito, kaya tiyak alam na niya ang problema ko. Bakit nga pala sa sermon on the Mount of Sinai wala yung “Blessed are the poor students for they shal inherit…” Siguro dahil wala na siyang langit o lupang pwede pang ipamana sa iba.

 

Ayaw kong maging Minyong. Kailangang magsalita na ako baka ako mabaliw. Ayaw kong maging bato. Hindi baling drop-out, basta tao lang ako. Maliit ang comfort room kung doon ko isusulat ang akung sumbong. Marami na roong nauna. “What you’re holding now is the future of the fatherland.” “If you can reach this high, you shall be great.” “Ibagsak ang pasismo.” “LABAN.” “Alpha Phi Omega.” “Wanted pen-pal.”

 

Magrereklamo rin ako sa pader kung kailangan, hanggang may makabasa at makarinig ng aking sumbong. Pero sa ngayon idi-jingle ko na lang muna ang sama ko ng loob.

About these ads

91 Comments (+add yours?)

  1. Unlogged visitor
    Jan 16, 2007 @ 08:14:01

    ahaha ang haba nito dko pa tapos basahin si adviser

    Reply

  2. Unlogged visitor
    Feb 21, 2007 @ 23:03:01

    Uy salamat kung nailathala ito bilang karagdagang basahin sa iyong Blog. Ganda ng kwento.

    Post more Philippine Short Stories so that others enjoy your blog.

    Reply

  3. succubus
    Feb 22, 2007 @ 22:20:01

    salamat. nice suggestion..yeah, i think i will..=)

    Reply

  4. Unlogged visitor
    Apr 19, 2007 @ 19:33:01

    salamat po sa kwento ninyo, sinabi po samin ng filipino teacher namin na pwede naming basahin to’ para masiyahan naman kami at heto nahanap ko salamat sa inyo!!!

    Reply

  5. Ernest Angeles
    Jun 30, 2007 @ 18:52:06

    Husay! propesor ko ngayon si Jun Cruz Reyes sa Peyups, mahusay talaga sya at talaga ngang alam nya sinasabi nya. Salamat sa pag lathala nito dito, sana pati ibang mga manunulat na umusbong ang literaturang Pilipino. Taas kamao.

    Reply

    • harold
      Oct 10, 2012 @ 20:17:04

      dapat may summary para hindi na kami mahirapan e summay yung story so that e copy paste nalang namin.:)

      Reply

      • Roch
        Oct 19, 2012 @ 12:16:01

        Harold, pinost ko tong story para may available na online source ang story. Hindi para gawin ang assignment nyo.

  6. nikkitta
    Jul 03, 2007 @ 15:34:49

    parang may nabasa na akung ganitong kwento eh, noong 4th year high school ako kaso hindi ko na matandaan kung sino author. ang galing ng kwento :)

    Reply

  7. Trackback: If you love my beloved « Quiet☆Poetic
  8. Tyie
    Jul 15, 2007 @ 21:48:14

    parang hawig ni Bob Ong magkuwento

    Reply

  9. cee agustin
    Jul 23, 2007 @ 20:56:07

    salamat dito.! project namin eh.. kailangan itong story.. haha.

    Reply

  10. ima
    Jul 27, 2007 @ 17:38:24

    hi saycee..hehe
    nice my project na ako thanks

    Reply

  11. zeitgeist
    Jul 27, 2007 @ 19:05:55

    sa wakas! may project na ako sa filipino , sacycee & ima ,cno pa nkakalam ne2?

    Reply

  12. pant0mime
    Jul 27, 2007 @ 22:10:39

    hehe good luck sa projects nyo =)

    Reply

  13. visitor
    Jul 29, 2007 @ 22:52:25

    thanks for posting this online! big help talaga para sa aming proyekto bukas.

    Reply

  14. pant0mime
    Jul 29, 2007 @ 23:10:17

    i’m startig to get really curious about this project guys. anyone care to share about it? =)

    Reply

  15. janika
    Jul 31, 2007 @ 20:11:46

    thnx d2!=)
    magagamit talaga para sa filipino namin. enx!=)

    Reply

  16. Issa
    Aug 01, 2007 @ 18:52:23

    thanks….assign namin eh…

    Reply

  17. esera
    Aug 04, 2007 @ 15:57:51

    yehess.. tenks merong ganto.. kelangan sa proj namin eh.. hehe..

    Reply

  18. ima
    Aug 06, 2007 @ 18:15:21

    aanalyze kasi namin yung story na ito….
    salamat talaga
    thanks

    Reply

  19. Jonah
    Aug 13, 2007 @ 20:39:38

    i’ve been teaching Philippine Literature for two years already..i always include UTOS NG HARI in my phil. lit. syllabus.this is one of my favorite selection written by a Filipino author..my students really enjoy reading the selection and they were able to relate themselves with the character of Jojo..we had a great time discussing this text. i even prepared a worksheet for this selection..how i wish more students will appreciate our own literature!

    Reply

  20. pant0mime
    Aug 13, 2007 @ 22:25:21

    this is also one of my favorite selections, that’s why i thought i’d post this here to share. and yes, i think the main reason behind its popularity among students is because of the universality of jojo’s character :)
    anyway, thanks for the comment sir :)

    Reply

  21. ghil
    Aug 14, 2007 @ 10:30:23

    astig lam mo ba na ung gawa mo ang proj nmin ngaunn…

    Reply

  22. John
    Aug 24, 2007 @ 15:36:10

    I’ve read this story back in highschool, after that I read it for a couple of times more until now, that’s how good this story is. I even shared this story with my cousins and they loved it as well. You can really relate with it, which makes it really interesting. The story will make anyone laugh because at some point of our lives these things happened and it is nice to cherish those moments. We are guilty of being Jojo in some way.

    Reply

  23. John
    Aug 24, 2007 @ 16:38:58

    Sana lang ma-edit ung mga typo.Thanks!:)

    Reply

  24. pant0mime
    Aug 24, 2007 @ 20:59:16

    will do if i have time to scan for typos. or better yet, point them out to me na lang sir! hehe thanks for sharing your views about the story. :)

    Reply

  25. noelyn
    Aug 30, 2007 @ 09:53:36

    i think this story is great but can i read the summary?? thnx^^

    Reply

  26. pant0mime
    Aug 30, 2007 @ 13:59:02

    nah, this is as good as it gets. i think everyone will agree with me if i advise you to read the whole story :)
    anyway this is an easy read naman e.

    Reply

  27. Sheila Medina
    Sep 05, 2007 @ 20:40:02

    wwwwwwwhhhhhhaaaaaaaaaa sayang am olready fouth year adik ung guro ko pinapa summary samen…wala po bng buod tong estoryang 2???

    hekhek neber mind thankz

    Reply

  28. bLuisHgaL
    Oct 03, 2007 @ 20:53:52

    ito ba ung talagang kopya????

    Reply

  29. mik-mik
    Oct 03, 2007 @ 21:36:57

    hehehehehehe ala p0 qng buk kya bnsa q nlng d2 s neT.. heheh an kulet ng kwnto.. kaka2wa p0 kyng bshin.. guro my iba rng nka2rel8.. klngan tlgng mgaraL ktak0t kya bmagsk ngaung 4th yr.. hehe :) sna ung ibng bmsa d2 e my m22nan n arl, d nmn gur0 msmang mg b0ifrnd pr0 klngan p0 guro blnce preh0.. n lng.. tnx s pgshare skin ng kwent0ng 2..

    Reply

  30. mik-mik
    Oct 03, 2007 @ 21:38:48

    mga klsm8s hehe sya bshin ni2.. araL2 n mga pAr.. Zshimikah 2.. hehe la lng.. sna my m22nan tau d2.. :) ;)hehe

    Reply

  31. prinsesa
    Oct 10, 2007 @ 18:38:16

    ang galing nitong kwentong to no?
    third year kami nung una ko tong nabasa sa buk namen,astig ang writer nito…alam niya ang mga saloobin ng mga nasa gen X….

    Reply

  32. rico liwanag
    Oct 18, 2007 @ 21:25:29

    check niyo ibang kwento ni jun cruz reyes.. magagandahan kayo..isa siya sa magaling na kwentista sa Pinas.. (pls wag natin siyang ihalintulad kay bob ong)

    Reply

  33. miracle
    Oct 26, 2007 @ 19:04:51

    . .Wat a gReAt s2ry,,..!!grabeh,..!4 xur pag nbasa pa ng ibah 2 mraming mka2relate,..heheh,..wEa baNg bu0d ne2,.??…hMmMmf,… pwd ka pong maging writer sir,…actually dis is our suri-basa,.one of our activity 4 sembr8k,…tNx again sir 4 making us realize that you have to obey first wat teachers explain and if were not agree,… then ,…complain,..!!!heheh,..per0 bulong lng huh,…bka marinig,..tzk tzk tzk,….

    Reply

  34. JERRICKA
    Nov 05, 2007 @ 12:48:00

    makakatulong sa mga 4th year dilimanian 2…..11/05/07

    Reply

  35. kat
    Nov 24, 2007 @ 18:07:03

    adviser ko ngayon si ser jun para sa thesis. oo nga, isa ito sa mga pinakamagandang akda ni jun cruz reyes. sana lang kami ring mga 4th year hayskul pinapasuri ng ganitong mga kuwento, panay western lit kasi hilig ng mga guro sa eskwelahan ko eh. oh well. nakakatuwang may kopya pala nito sa net. ^_^

    Reply

  36. abraham jose apit
    Nov 27, 2007 @ 08:18:21

    can i ask some questions? our instructor in filipino asked us what’s the problem and the solution in the Maikling Kwentong “UTOS NG HARI”? acan you help me answer this question? thanks!

    Reply

  37. viola
    Dec 11, 2007 @ 22:42:27

    niroleplay namin ‘tong “Utos ng Hari” sa Humanidades I apat na taon na ang nakararaan. paborito ko sa lahat ng mga akda ni jun cruz reyes. sobrang idolo ko siya. binasa ko lahat ng libro niya na available sa school library. ang husay!

    Reply

  38. m.e.
    Dec 12, 2007 @ 09:51:39

    ganda nyan promise…favorite ko tlga.

    Reply

  39. juliet ***///
    Jan 31, 2008 @ 10:20:27

    **ang gnda ng kwento nka2rel8.hehehe about sa stuyanteng tmad magaral.tnx poh dn godbless.

    Reply

  40. rein
    Mar 09, 2008 @ 17:17:48

    san po ako makakahanap ng biography ni jun cruz reyes?

    salamat po ng marami

    ^-^

    ♥♥♥

    Reply

  41. shen
    Mar 09, 2008 @ 19:03:08

    ahaha.. tanx sa story na toh.. i need it on tuesday for our Lit.. =) weee! nhanap ko rin.. =)

    Reply

  42. christopher ang
    Mar 14, 2008 @ 22:59:38

    Thanks ,y project na ako!!!!!!!!!!

    Reply

  43. hari
    Jun 21, 2008 @ 17:44:03

    hays salamat ang hba ndi namin naintindihan wala bang maikli heheheh thank you

    Reply

  44. jomar
    Jul 18, 2008 @ 15:39:49

    wow..ang galing..
    may point nga si jun cruz reyes sa sinulat niyang ito..

    Reply

  45. karla
    Jul 21, 2008 @ 17:03:19

    Maganda talaga ung story, sabi ng iba mahaba pero di naman standard yan diba 10 page ang minimum ng short story diba? tama ba ako?
    Basta maganda siya…. Post ka pa po ng iba story katulad nung “ako ay may isang ibon” ni rosario diogracias.

    Reply

  46. dae
    Jul 28, 2008 @ 00:18:21

    ngayon ko lang nalaman na may maikling kuwento pala ang “utos ng hari”. ang una ko kasing nabasa nito ay nobela, palanca award winner nung panahon na yun.

    yung kwento ni jojo dito ay ibinase sa tunay na nangyari sa isang utol ko sa biyahe ng buhay. siya ay manidyer ngayon ng isang kumpanyang pinoy na may mga tindahan sa timog silangang asya.

    Reply

  47. kaire
    Jul 30, 2008 @ 21:06:27

    nyc story..!!

    Reply

  48. jessica
    Sep 25, 2008 @ 12:24:28

    gnda ng story
    sumasalamin sa buhay ng mga esrudyante ang kwento
    pinapakita dito ang baluktot na pamamalakad ng ilan sa mga guro dito sa pilipinas.

    Reply

  49. nnoygalonan
    Oct 05, 2008 @ 07:05:54

    san ba makakahanap ng talambuhay ni cruz reyes? maganda talaga..pero mas magandang sulmulat ung bob ong…

    Reply

    • wilvic
      Jan 09, 2012 @ 17:03:46

      ..i don’t think so, baka kaya mo nasabi kasi hindi mo pa nababasa un ibang gawa ni sir jun, and i’m theorizing here na posibleng naging student ni sir jun si bob ong, or should i say ung mga taong bumubuo kay bob ong..

      Reply

  50. Ushitora
    Nov 07, 2008 @ 17:51:41

    I love this short story. :)

    Reply

  51. yumih
    Nov 22, 2008 @ 17:12:11

    …super thanx 4 dis.,,khit dqpah nbabasa ,its a big help…sa uulitin

    Reply

  52. Trackback: ஐღĴ@Ňįήέღஐ’s Blog » **my fave stroy**
  53. xd08
    Nov 26, 2008 @ 21:24:27

    ..grabeh ang haba ..ggwa kmi reaction dito 5 pages..font size 12..kamuxtah nmn un?

    Reply

  54. r-ar
    Dec 02, 2008 @ 00:01:14

    nkk2wa nmn ung s2ry…i’m sure mrming nkarel8…

    Reply

  55. jude
    Dec 02, 2008 @ 20:17:16

    babasahin ko pa lang sya…irereport k 2..salamat a..

    Reply

  56. kaye
    Jan 13, 2009 @ 18:35:42

    Wag naman po nating ihalintulad ang panulat at sabihing mas magaling si Bob Ong kay Sir Jun!

    Isa sa mga muhon ng literaturang Filipino si Sir Jun at napakahusay na guro.

    http://www.panitikan.com.ph/authors/r/jcreyes.htm

    Reply

  57. tirso
    Jan 18, 2009 @ 17:04:48

    dami kong natutunan dito, sobrang tagal ko hinanap ulit yung luma kong aklat sa panitikan. I dol kita sir,

    Reply

  58. angeline
    Feb 09, 2009 @ 17:04:13

    anekdota p ba ito? ptoject ko po kc eh…

    Reply

  59. nayomi
    Feb 28, 2009 @ 18:53:38

    very nice story! i hav fun reading it.

    Reply

  60. tnx.........
    Mar 16, 2009 @ 17:52:50

    hahaha kuya tnx ahh,. pero parehas na parehas cya sa libro namen bawat word haha gling ngah ehh,.,. ang project koh toh ehh tapus kelangan ko pa gamitin ung mga teorya hirap ng teorya d2 ehh geh kua tnx pa rn

    Reply

  61. eleedor
    May 01, 2009 @ 18:09:56

    wow!!great..he really pictured out the reality…

    Reply

  62. secret...
    Jun 30, 2009 @ 10:25:45

    hayz… ayun.. katuald ng iba nirequire din ng prof q sa fil n bsahin 2…at may reaksyon din… pwo nkakarelate sa mga students and teacher… dme aqng natutunan…

    Reply

  63. Jerome
    Jul 05, 2009 @ 22:30:35

    Haizt., ok nga i2 pa 2nd na basa q na 2 kc una ipnabsa q s clasm8 q kc ass. Nmin 2 ngtry lang aq mgsearch aba at tlga plang mr0n din s net tnx s ngpublish ni2 s web kc nd aq nkhram ng buk n2 kea buti nlang my instant buk s inet tnx

    Reply

  64. kidlat
    Jul 16, 2009 @ 10:13:09

    jun cruz, kung nasaan ka man bow ako sa ‘yo. sayang hindi ko nabasa ito nung high school ako, pero you had broken the mold for me 30 years ago, when you decided it was proper for a teacher to play basketball and hang-out with his students…

    Reply

  65. raul
    Nov 10, 2009 @ 22:29:11

    Whew, I thought this was longer pa. ‘kala ko the scroll wouldn’t end that fast it was half the web page lang pala. Thanks sa blogger. You just helped a lot of students who are soon to be productive Filipinos(hopefully . ahaha) Ready na ako for tomorrow, we’ll be having a test about this kasi. Thanks again!

    Reply

  66. arnold
    Jan 08, 2010 @ 08:17:32

    ang ganda ng kwentong ito may moral values na makukuha.

    Reply

  67. arnold
    Jan 08, 2010 @ 08:20:12

    marami akong na2tonan sa kwentong ito ,

    Reply

  68. sigmund freud
    Jan 10, 2010 @ 18:06:07

    ayus talaga si Jun Cruz Reyes panalo, isama na rin natin si Eros Atalia :)

    Reply

  69. michelle
    Feb 02, 2010 @ 11:00:40

    hay nkakatuwang bsahin pero ang taas taas ng kwento..i’m sure nkarelate ung iba…hehehe

    Reply

  70. HunteR
    Jul 13, 2010 @ 22:32:15

    Medyo maitama sana yung mga spelling. . .

    Ok naman yung pag open up nya weh pero sa tingin ko kulang lang si Jojo sa approach or public relation,

    most of my teachers kasundo ko maliban sa mga terror but i do try to understand them for being like that. . .

    In time maalala nyo din yang mga teachers nyo weather you like them or not. . . ^_~

    Reply

  71. elizabeth
    Oct 08, 2010 @ 10:16:27

    first tim ekong mabasa to. . .irereport ko kc. . .ang ganDa!ok na ok sya sa mga studyante for sure. . .

    Reply

  72. akishi
    Oct 15, 2010 @ 14:17:15

    panalo!!! ganda!!! nkka-relate tlaga ko kay jojo!!~

    Reply

  73. ugghsome
    Apr 04, 2011 @ 16:46:47

    nakakarelate talaga ako dito kasi ganito rin dito sa Pisay pero hindi naman masyado sa campus namin

    Reply

  74. em
    Jul 26, 2011 @ 08:53:14

    tama nga naman si jo, dapat bago ka manghusga tingnan mu muna ang sarili mo kung ikaw ba’y karapat dapat na!!! mga gurong perfectionist kung umasta akala mo’y santo na yun pala kapareha lang ng iba na pwede rin masabihan ng kung anu anong mga kamalian!

    Reply

  75. em
    Jul 26, 2011 @ 08:57:27

    ganda tlaga ng storya………..i know everybody can relate……..

    Reply

  76. wilvic
    Jan 09, 2012 @ 16:57:15

    ..paborito kong awtor si Jun Cruz Reyes, at talagang magaling s’yang awtor, un nga lang hindi ko na alam kung san pede mabili ung mga nauna n’yang libro, sabi n’ya, sold out na daw ang mga un. Pero gusto hikayatin kayo na basahin ung mga libro n’ya na pwede pang mabilisa mga bookstores, una yung collection ng maiikling kwento nya kung saan kasama ‘tong utos ng hari “utos ng hari at iba pang kwento”, yung latest nyang libro “ang huling dalagang bukid at authobiography na mali”. sabi nung isang nag comment,parang si bob ong daw, yes,somewhat, pero ganito na sumulat si sir Jun mula pa nung panahon ng martial law, dun sa paborito kong libro n’ya – “tutubi tutubi, ‘wag kang magpahuli sa mamang salbahe”, mabibili pa din yan sa mga bookstore.

    Reply

  77. desa
    Jan 17, 2012 @ 10:53:13

    o my gosh;.>, ang haba ng story,,gagawa kami ng summary ,,,pero magnda naman ang kabuoan ng story.,..,

    Reply

  78. Lea Rabadon
    Jan 18, 2012 @ 22:34:33

    this is my favorite composition ever..nabasa ko na ito sa lumang libro..glad i found it here..maipapabasa ko na ito sa mga friends ko..thank you!

    Reply

  79. Kurama
    Mar 29, 2012 @ 13:54:42

    My fave. <3 Very new ang approach ng may-akda sa pagsulat ng kwento. Nabasa ko na ang mga gawa ni Inigo Ed Regalado, Matutes', Jose Corazon de Jesus, et. al..pero isa ito sa mga gawang hindi mo maaring maihambang sa mga akda ng ibang manunulat (this was written even before Bob Ong came to the picture so). Idol ko talaga si Jun Cruz Reyes! Sayang, hindi literature ang course ko sa UP..but idc. :D Mahal ko ang Panitikang Pilipino. ^^ Sana kayo din ^^.

    Reply

  80. y0ung_kh0_mEh
    Jun 16, 2012 @ 10:50:39

    our Philippine literature teacher share this to us at talagang maganda ang pagkakagawa ng story ,makakarelate kahit sino especially students.
    thank you nabasa ko siya ulit.

    Reply

  81. a
    Jun 20, 2012 @ 07:51:32

    thanks!

    Reply

  82. shery Anne Tamayo
    Aug 12, 2012 @ 16:36:43

    haizt…finaly nabasa dn,.need kc nmin for filipino subject ei..,i agree ganda ng story mkakarelate tlga ang mrami specially students…tnx, god blez

    Reply

  83. mengs
    Aug 12, 2012 @ 16:39:41

    ang galing ng story ah…………tiyak ng dami natamaan nyan………..assignment namen kc kaya kahet mahaba matiyaga kung binasa heheheh gudlak jun reyes……………..godbless

    Reply

  84. Trackback: TRIBYUT SA SARILI « Bursting Bubbles
  85. mharzky
    Oct 18, 2012 @ 18:25:37

    woowh… wla b tlgang buod to??? huhu help nman po>>> we nid it badly…

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: