Swayed
08 Oct 2008 1 Comment
by Charlie in stories, whatnot
I have never thought that Bic Runga’s Sway could sound so slutty when sung. But then again, I have never passed by a red light district at 11 in the evening, until tonight. Apparently 11 pm is the peak hour of some of the clubs where I found myself loitering outside of. I can hear the woman’s amplified voice singing Sway in a slower tempo and somehow it made me want to throw up.
Not because she had a terrible voice. Well, not totally. It made me want to throw up because her slow singing made everything around me more blur and me more drunk. I wasn’t exactly sure why I chose that particular club to hang around at or I why I was even at that kind of place in the first place. The last thing I remember a few minutes earlier was storming out of my friend’s house where we were having the nth case of beer, and riding a jeep to i-don’t-know-where. The reason for my storming out, I couldn’t remember. Until I heard the song.
It was like being in an overly lame music video where everything moves in slow motion. And somebody in an even slower motion comes up to you. Somebody whom the song is about. It’s total mindfuck if you really thought about it, but I didn’t. Because I wasn’t imagining things. There I stood against the wall outside of the club, and right in front of me, there he stood. It’s total mindfuck, I heard myself repeat aloud. He giggled.
When he giggled, I realized that I wasn’t in a lame music video, and I wasn’t standing up against a wall of a night club, and we weren’t even in a red light district. I was standing against the wall of his house. I looked around and saw that the Christmas lights that he put up early hurt my eyes. When he giggled, everything came back to me in a split second. Why I stormed out of my friend’s house, and why I was drifted apparently by my delusion to his place.
(To be continued…)
Twenty questions
30 May 2007 3 Comments
by Charlie in plays, sadness and everything along with it, stories, whatnot
I found out about this from July. I don’t where I first read it, kung sa email ba o sa site. Basta it has become one of the most memorable stories I’ve ever read, and some of my views about life, love, and sex are based from this story. READ IT if you haven’t!
Kung Bakit Mahirap Bumasted
20 May 2006 Leave a Comment
by Charlie in love and cheesiness, stories, Uncategorized, whatnot
“Sa tingin mo, anong nararamdaman ko?”
“Ha? Ano nga ba?!” bulalas ko sa’yo.
Freeze.
Pasensya ka na, sa mga panahong ito, hindi muna kayang magproseso ng utak ko. Sariwa pa kasi sa memorya ko ang nakaraan ko kay William. O mas mabuting sabihin na, inisip kong nakaraan ko kay William. Oo alam ko, ilang beses na akong nagmukmok sa’yo. Ilang beses na kitang napagbuntunan ng init ng ulo ko. At ilang beses mo na rin sinabing wag ko na syang isipin dahil hindi na niya ako mahal.
“Alam kooooo!” napasigaw ako.
“Ha?!”
“Wala.”
Alam ko, hindi na niya ako mahal, pero mahirap tanggapin yon, lalo na’t siya ang una kong minahal nang matindi. Sabi mo sa akin, nahihirapan ka na dahil hindi mo alam kung tatahakin mo ang landas na lubak, o didiretso sa patag na daan. Sabi ko naman, lumangoy ka na lang. Tumawa ka. Magulo talaga ang mundo, pero doble ang gulo sa utak ko ngayon. Sa totoo lang, alam ko naman ang nararamdaman mo ngayon. Nababato sa kahihintay ng sagot ko. Tatlong oras mo na ring tinatanong sa akin kung mahal kita, at paulit-ulit din ang tanong ko sa’yo kung ano ba ang pagmamahal para sa’yo.
“Jenny, iba ka sa karamihan ng babae. Mahirap ipaliwanag.”
Pwes, magdusa ka. Hindi ko rin maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Parati kong sinasabihan ang sarili kong magmove-on. Pero sa tuwing babanat ka ng korning joke, o ng useless trivia dahil alam na ng lahat ng tao, naiisip kong bigla ang mga kwentuhan namin ni William na walang laman kundi tawanan at puno ng kaalaman.
“Unfair ka,” ulit mo na naman.
“Alam ko,” mahina kong sabi.
Alam na alam ko yan. Pero kung sinusunod lang sana ako ng puso ko. Kung sana, hindi lumalabas sa bibig ko lahat ng ayaw mong marinig. Edi sana, matagal nang naging tayo. Humiga ka sa grass. Sabi mo, hihintayin mo na lang lumabas ang unang bituin sa langit, at doon na lang hihiling. Baka sakali, ika mo, magkaroon na ng kasagutan ang tanong mo. Ginabi na pala tayo sa campus. Alas tres nang tawagin mo ako para umupo sa grass at mag-usap. Mag-aala sais na.
“Sa tingin mo, anong nararamdaman ko?”
Ako naman ang nagtanong. Ayoko nang umabot na naman ng apat na oras ang usapan at walang mangyari. Matagal mo na akong hinintay alam ko. Hindi biro ang dalawang taon. Hindi rin biro ang dalawang taon namin ni William, pero wala namang nagplano na magising siya isang araw na hindi na ako mahal. Gusto ko nang magbago. Promise! Tumayo ka sa pagkakahiga at umupo sa harap ko.
“Ano nga ba? Lagi mo lang sinasabing mahal mo ko bilang kaibigan lang.”
“O alam mo pala e!”
Tanga mo Jenny, sabi naman sa’yong hinay lang. Pa-promise promise ka pa dyan.
“Ano ba talagang meron kay William na wala sa akin?” Napabuntong hininga ka.
Napapagod ka na. Nahihirapan. Pero sa kabila ng lahat, ikaw parin ngayon ang nasa tabi ko. Ano nga bang meron sa kanya.
“Naaalala ko siya tuwing lumulubog ang araw.” Lame answer, Jenny. Tanga ka ba, o nakahitit ka lang ng katol? Alam mo namang kayong dalawa lang ni William ang nagkakaintindihan pag ganung kabaduyan na ang pinag-uusapan. Hindi ko na maisip ang isasagot ko.
Tumayo ka. Napatingala ako sa’yo bigla. Luha ba yung nakita kong pinupunasan mo? Tapos na ba ang usapan?
“San ka pupunta?”
“Uuwi na. Umuwi na tayo, Jen.”
“Sorry.”
“Hindi mo kasalanan na walang bituin ngayong gabi.”
Tumingala ako, at, gaya nga ng sabi mo, wala ni isang bituin sa langit. Hindi ko alam ang kahahantungan natin matapos ang gabing ito, pero sana balang araw makita mo na rin ang bituing itinadhana para sa’yo.






Recent Comments